I remember exactly 3 years ago, I just ended one of my most wonderful sems. By the end of my first ever college semester, I had high grades, a blooming love life, and lovely lovely friends.
Fast forward to today. Where am I now?
In 3 days I’m about to end my semester. Not the best one, actually, but I actually have had worse.
Looking back and thinking deep, I remember that back then I never thought I’d be like this. I never thought I’d be who I am right now.
Is it a bad thing? I don’t really know.
All I know is that back then, I used to be so happy. I used to be so excited to go to school. The load was light, everything was cheap, everyone was available for those random meet ups.
Dati-rati’y papasok ka ng 8 para sa 8:30am class mo. Tapos may mahabang break, so lunch kung saan sa Katipunan (o kaya sa Vinzon’s tapos magbabaraha) bago magklase ulit. Nakakapagrecite ka pa sa 1pm class mo. Pagpatak ng 4, nasa AS o FC na ang mga tao, may tangan na gitara o iPod (at readings, sige na nga), nagkakantahan, nagtatawanan. Tapos paglabas nung mga may klase hanggang 5:30, saka maglalakad papunta kung saan. Kakain sa Rodic’s, LB, LKB (o sige na sa Chokiss kung may pera). Sige kung may pera ka pa pagkatapos, diretso ka naman sa Gateway para manuod ng sine (wala pang Trinoma noon). Mahahatid mo pa pauwi ang nililigawan mo pagkatapos. May oras ka pa para magsulat ng blog entry bago ka matulog.
Ngayon nasan na tayo?
First period mo ng 8:30 hindi ka na nakapasok dahil puyat ka. Lunch time, may meeting ka pa para sa group presentation niyo ng after lunch. Tapos saka ka hahabol ng tulog sa klase mo. Pagdating ng 4pm, may klase ka pa. 5:30 may GA naman sa org. Pagdating ng 7, sige, kakain kayo kung saan, pero saglit lang kasi uuwi agad pagkatapos kasi may exam na kailangan paghandaan, paper na kailangan isulat, lab report na kailangang tapusin, readings na kailangang basahin, at probset na kailangang sagutan. Hanggang madaling araw na yung mga gawaing yun. Wala ka nang mai-blog kundi mga reklamo sa acad life mo. Siguro mga 2 ka na makakatulog dahil sa kung anu-anong ginagawa mo. Saka mo susubukang gumising ng 8 para sa 8:30 mong klase. Take note, susubukan. 8:15 na, maliligo ka pa, so ayun, mukhang magkacut ka na naman.
Sa dami ng iyong ginagawa, ang tanging daldalan niyo na lang ng mga kaibigan mo ay YM, Facebook, Twitter, Plurk, at sige na nga, Multiply. At paminsan pa ito ay para magpatulong sa kung saang subject na namumroblema ka. Tapos hindi ka na nga makareply sa text kasi sa kalat ng iyong mga kagamitang pang-akademiko, hindi mo na mahahanap selepono mo. .
Hay buhay.
I always wondered how dare could the lower batches keep on saying that this early in their college life, they’re already having a hard time keeping up. I admit, I myself once said that I was already experiencing burn-out by the second semester of my freshman year. Pero pagdating ko ng second year, dumugo na ilong ko. Third year pucha napamura na lang ako ng bongga. Ngayong fourth year, feel ko namatay na ako sa pagod. At may fifth year pa ako.
Gusto kong bumalik sa madaling buhay. Gusto ko maging freshie ulit. :(
Gusto kong maging excited ulit sa bawat umagang papasok ako ng school.
Kung sana lang pwedeng ibalik ang 3 years ago.

