naiinis

maling-mali ang araw na ito, sa simula pa lang. gumising ako na inaantok, kulang pa rin ako sa tulog (pesteng mga gawain sa school). masama pa rin ang tiyan ko, hinahyper-acidity ako. sablay ang panlasa ko, so di ko natipuhan yung ulam kaninang umaga at nagpaluto ako ng noodles na may sabaw. biglang napaidlip ako. nagtilt yung head ko tapos nabigla ako at biglang natabig ko yung bowl ng noodles at natapunan ako ng napakaraming mainit na sabaw (galing noh).

absent si lawrence, pero sinabay pa rin ako ng kotse niya (papasok pa rin si angelique). pero siyempre, nahiya ako, sabi ko maglalakad na lang ako pagdating sa miriam. wrong move, pagkadating ko sa ateneo sobrang pagud na pagod na ako (at masakit pa rin ang tiyan ko).

pasang awa yung long test ko sa math. as in eksaktong passing mark yung nakuha ko. nadale ako sa multiple choice. tulog ako nung recess, habang nagkakatuwaan lahat ng kaklase ko. nagpunta akong infirmary, at binigyan lang ako ng kremil-s at ammonium.

sabog yung lesson ko sa td. nagsermon na lang ako kasi hindi gumagawa ng homework yung mga bata. sabi ko, pag mahuli ko sila ulit na gumagawa ng homework para sa school nila sa hapon habang TD, may minus sila sa grade.

pauwi nag-jeep lang ako. matrapik, mainit. nakatulog ako, tas pag-gising ko pawisan na ako.

pagdating ko sa bahay tulog agad ako. kagigising ko lang nung mga 7pm, mahigit dalawang oras na ang tulog ko.

ngayon, marami pa akong kailangang gawin. physics homework, math homework, english notecards, waaaaah..

and i just realized that i wasn’t able to bring home my td books. kelangan pa naman daw aralin

oh well

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.