“The highest courage is to dare to be yourself in the face of adversity. Choosing right over wrong, ethics over convenience, and truth over popularity. These are the choices that measure our life. Travel the path of integrity without looking back, for there is never a wrong time to do the right thing.”
-Author Unknown
(Received from Chakai through the wonders of text messaging.)
It was the Grade School fair season seven years ago when I remember roaming around the Grade School cafeteria, looking for something to buy. I went to the Ateneo Coop booth and stumbled upon something that caught my eye.
It was a pin that said “Ateneo, all the way!”
I thought it would look cool on me, making me look like the loyal Atenista I always believed I was. Immediately I bought it and pinned it to my shirt.
As I was walking around the Grade School classmate, I bumped into a classmate of mine and a conversation immediately started. It was something like this… (Please forgive the inaccuracy, it was 7 years ago).
“Ang ganda naman ng pin mo! Pero paano mo masasabing Ateneo all the way ka eh hindi ka pa naman umaabot ng high school o college?”
“Ano? Hindi ko gets.”
“Kasi ibig sabihin ng ‘all the way’ ay kung tuluy-tuloy kang nag-aral diyan. Grade school, high school, college, puro Ateneo lang, all the way!”
“Eh teka! Hindi ako maga-Ateneo sa college! Gusto ko UP!”
“So bakit mo sinusuot iyan?”
“Eh kasi astig! Hindi naman masama, ‘di ba?”
We just laughed and went our separate ways.
I took the pin off, and never bothered to keep it in a safe place. It disappeared about a week after.
Sa totoo lang UP na talaga dati pa. Isa ito sa mga pinakamatayog kong pangarap. BS Eco, katulad ng kuya ko (freshman pa lang yata siya noon sa UP).
Gusto ko magjeep papuntang school. Gusto ko magfishball sa may Sunken Garden. Gusto ko magjeep pauwi at kumain ng hapunan kasama ang lola ko. Gusto ko sa bahay ko ginagawa mga group project namin. Basta, gusto ko.
‘Yun talaga ang pangarap ko, hanggang dumating ako sa bakasyon pagkatapos ng third year highschool. Nagbago isip ko.
Ewan ko kung ano ang nangyari. Siguro dahil na-expose ako sa mga kolehiyalang Atenista, at nakita kong astig sila. Pinangarap ko na maging katulad nila. Siguro dahil nakita ko na yung mga kapwa ko Atenista ay sa Loyola Schools pumupunta. Pinangarap kong makasama sila.
So, ganun na talaga. Buong fourth year mas marami akong nakilala, at mas na-enganyo akong mag-aral sa Loyola Schools. Kahit ang class moderator ko na si Ginoong Lauron sabi mag-Ateneo ako. Tapos napakarami namang nakakatuwang kuwento ng aking org moderator na si Ginoong Capinding. Masaya daw sa Loyola Schools. Sobrang saya.
‘Yun na talaga ang naging pangarap ko. Maging Atenista, all the way. Hanggang dumating ang Martes ng nakaraang linggo.
Katatapos ko lang magkumpirma sa Loyola Schools noong Lunes. Sabi ko dito na ako mag-aaral at isinuko ko na ang aking Report Card, kopya ng birth certificate, at tseke na nagkakahalagang apat na libong piso.
Inikot ko pa yung Ateneo pagkatapos noon. Dumaan ako sa Xavier hall, tapos sa Kostka hall, tapos sa School of Sciences, tapos sa JGSOM, tapos sa Blue Eagle Gym, hanggang nakarating ako sa sasakyan ng jeep pauwi.
Sa tuwing sumasakay ako ng jeep pauwi, kailangang sakyan ang UP Ikot. Oo, ang napakasikat na UP Ikot na medyo maiikot nga ang UP.
Dati-rati kung sumasakay ako rito pinagmamasdan ko ang mga tao. Sinasabi ko, “iyan ang magiging schoolmates ko!”
Pero umabot sa puntong nagbago ang lahat. Nasa isip ko lang ay, “Atenista na ako!” Tuluyan nang nawala ang pangarap noong kabataan.
Nang dumating ang umaga ng Martes, kinausap ko nanay ko. Sinabi ko ang sitwasyon ng mga kaibigan ko. Karamihan, pupuntang UP. Mga kabarkada sa klase, mga kaibigan sa ibang paaralan, lahat sila, pupuntang UP.
Dun muli nabuksan ang usapang Ateneo o UP. Ako’y napaisip muli. Tama ba ang ginagawa ko?
Bumukas muli ang isip ko sa posibilidad na mag-aral sa UP.
Limang araw ang lumipas, limang gabing walang tulog, marami pa sa sampu ang nakausap, tatlong misa ang isinimba , sampung minuto ng luha, isang napakalaking desisyon ang ginawa.
Pinakawalan ko na ang isang pangarap ko, para makilala muli ang dating pangarap.
Hello, UP. Sa wakas, natupad na rin ang pangarap ko… :)


April 16th, 2006 at 11:50 pm
Goodluck man! Wish you the best!….
pero Admu pa rin ako.. :(
oh well.. sana gimmick pa rin like before!…
12 years na kita kilala! ahahahaha!.. lalang
April 16th, 2006 at 11:54 pm
JR: Thanks bro. Hahaha.
12 years pare! Salamat sa Ateneo. :)
Kita-kits. UP ka naman banda nakatira eh. Well, Barangay Sentral is next to UP so ganun narin yun. :)
April 17th, 2006 at 12:05 am
hehe… go UP! i’m sure na mahirap yung pinagdaanan mo to get to that decision. sana magkita tayo sa campus!
April 17th, 2006 at 12:08 am
Kenneth: Hello UP! Hahaha. Mahirap nga. Pero sana ito nga yung tama. Kitakits sa campus kung sakali. :D
April 17th, 2006 at 12:09 am
“…there is never a wrong time to do the right thing.”
se sent me the same message, eto sabi ko…
“meron, when it’s too late…”
wala lang… walang kinalaman sa nangyayari sa yo… hahaha….
anyway, seeya schoolmate :P
April 17th, 2006 at 12:10 am
Julian: Nyahahahaha. Nice one. :P Seeya rin! :D
April 17th, 2006 at 12:17 am
so happy for you, mister :)
chin up, look up. UP! (ok, labo)
see you! :)
April 17th, 2006 at 12:18 am
Miss Cricket: Thanks, thanks! :D Hehehe. See you din!
April 17th, 2006 at 2:20 am
Just remember, in times of doubt, think about …
Erap.
April 17th, 2006 at 2:21 am
JAngelo: Hoy! Wala na itong kinalaman kay Erap! Hahaha
April 17th, 2006 at 2:24 am
That’s supposed to be a poem.
April 17th, 2006 at 2:25 am
JAngelo: Medyo rhyming nga… Haha