Hello UP

Chax, Kenneth, their daddies and I went to UP this morning to undergo our individual physical examinations. Turns out na hindi siya isang araw lang. Kailangan pang bumalik. Wednesday dapat balik namin, pero next Monday na lang (Chax patalo! Hahaha. Joke lang).

Anyways. We had our share of bloopers. Mukha kaming tanga ni Kenneth na naliligaw sa loob ng clinic at pabalik-balik kami para sa mga forms na either naiwan, or natangay (na dapat talaga iniwan). Akala pa namin may urinalysis, so kahit sobrang naiihi na kami, we just had to hold it in. Si Chax naman, sobrang bilis matapos nung kanya at hinihintay na lang kami. Bigla siyang pinaalis nung matanda kasi bawal daw niya kami hintayin ni Kenneth. So, hindi na namin alam kung ano nangyari sa kanya hanggang nakalabas kami. Wala kasing signal dun sa hintayan sa x-ray room.

Karamihan sa staff ay masungit (lalo na yung matanda! Si Ate Taray!). Well, wala naman kaming magagawa, kundi masanay. Yung mga students, ewan ko kung ano masasabi ko tungkol sa kanila. Wala akong napansin kundi medyo hostile yung iba.

Sabi nga ni Chakai: mapapansin mo na ibang-iba talaga ang mga tao sa UP at Ateneo. Hindi lang sa staff, kundi sa students na rin.

Kenneth blog na lang for more Ate Taray (mis)adventures. Haha

Hinahanap namin ni Kenneth ang kilalang cura personalis na nakasanayan na sa Ateneo. Pero mukhang hindi talaga ito matatagpuan dito. You’re on your own here.

Well, nandito na tayo. Hahaha. Hello UP.

Pero masaya naman eh. Lalo na at nandiyan yung mga ka-close mo. Marami-rami rin yun.

Punta na lang tayo ng Chocolate Kiss kung nagfi-feeling lost conyo in UP tayo. Mamaya na yung mga fishball at isaw. Mamahaling cake at kape muna.

9 Responses

  1. Kenneth Says:

    buti na lang may kasama ako through all that… go UP! sana talaga makayanan natin.

  2. B.A. Racoma Says:

    Kenneth: Kaya natin ‘to! Hahaha. We all have each other naman, diba? Magpaka-”can’t let go” tayong lahat.

  3. margie Says:

    Hala.. Urinalysis?! Natawa ako run ah! Haha.

    Naalala ko last year, nakailang beses din akong bumalik sa Infirmary na yan. At tama ka, may pagkamasungit sila.. Pero siguro dala na rin yun ng stress (sa dami ba naman ng magpapaphysical diba?). Ngitian mo na lang sila.

    Anyway.. patikim pa lamang yan ng buhay UP. May registration pa. :D kung mahaba ang pila sa Infirmatay, x5 sa AS pag bayaran na ng tuition. Haha.

  4. B.A. Racoma Says:

    Margie: Eh kasi ba naman, sabi dun sa form: Lab tests, Urinalysis. Hahaha. So akala talaga namin meron.

    Masungit daw talaga yung sa clinic at reg. Masanay na nga lang daw kami sabi ng ibang kaibigan ko sa UP. Hahaha.

    May connections ako sa UP na sabi niya sa akin kaya niya akong i-magic papunta sa harap ng pila tuwing registration. Niyahahaha. Ewan ko kung kaya pa rin niya yung magic niya ngayon, pero epektib daw last year. :p

  5. margie Says:

    Baka RegAss siya X_x. Malakas ang kapangyarihan ng mga RA pag registration.

    Magkunwari ka na lang na nahimatay para paunahin ka sa pila. Baka gumana rin yon! Hahaha! Joke lang.

  6. B.A. Racoma Says:

    Margie: Hindi ko alam kung RA siya eh. Pero susubukan kong himatayin para mauna na ako. Hahahaha

  7. Rex Says:

    waw, congrats at nasurvive mo ang famous Infirmatay! haha! may masungit talaga sa UP, mababa kasi sweldo, intindihin mo na lang, hehe.. about sa mga students na aloof, well, ganun talaga. you’re on your own dito. marami hassle, pero im sure mamahalin mo ito.. naks, angdrama.. =p

  8. B.A. Racoma Says:

    Rex: Babalik pa kami dun! Oh nooo. Hahaha.

    Ang drama nga! Pero mukhang mamahalin ko rin ito. :)

  9. jangelo Says:

    You had been forewarned …

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.