bakit nga ba ngayon lang?

kanina pinag-uusapan namin ng mga seatmates ko ang buhay akademiko. kung anu-ano ang narating namin. mula sa inspirasyon, papunta sa motibasyon, tapos sa pamamaraan, hanggang sa umabot kami sa force parallel = mg sin θ.

wala lang. napaisip lang ako. bakit nga ba ngayon lang tayo nagigising sa ating mga responsibilidad? ako, kung ikukumpara mo ako noong una hanggang ikatlong taon ko sa ateneo, hindi ako ganito. kung tutuusin, nung mga panahong iyon, iresponsable nga ako eh. ngayon ko lang talaga nalaman at natutunan kung paano magtrabaho. ngayon ko lang din naintindihan kung bakit kailangang magtrabaho

bakit nga ba ngayon lang? sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. pero kailangan pa nga ba nating sisihin ang iba at mga sarili natin para lang maging responsable?

siguro…

siguro kailangan nating magkamali para matuto tayo.

pero hindi ba mas maganda kung sa simula pa lang ay alam na natin kung ano ang tama at kailangang gawin?

hindi nga lang magigiging masaya ang buhay kung ganun. hahaha

di bale mga pare ko. hindi pa huli ang lahat. kaya nga nariyan ang 3rd term eh ;)

One Response

  1. change Says:

    We live in a constantly changing world. What people say now may not necessarily be the right thing. Most cultures are still old school, still subscribing to the makalumang pag-iisip and not forward-looking.

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.