
Ugly. Hahaha. Had the worst sem, ever.
Anyways. May kwento bawat grade na yan.
Eng11: Kasi participative ako sa klase. 1.25 kasi tinamad akong iproof-read mga essay ko.
Chem16: Bagsak 2 LE ko, isa lang pinasa. Mahigit 3 lang yung pre-final grade ko. Ang taas ng tinalon after ng finals na puspusan kong pinag-aralan. Or minagic ni Doc grade ko?
Math55: Una si sir Romar, tas naging si Sir Richard. Tinamad akong mag-aral sa 3rd LE, at siyempre hirap na hirap ako sa series. Dapat uno, pero epal na Taylor yan.
Physics 72.1: Mas natuwa pa ako dito sa 71. At karamihan ng worksheets namin late sinasubmit kasi laging may activity ang NIP o ang UP pag Wednesday (bilang centennial).
Physics 112: Ay wag na lang.
Physics 72 (upgraded): Hahaha. Not your ordinary Physics 72. Modified siya for Physics majors. Anyways, sobrang, na-woah ako. Dito lang ako nagkaroon ng exam na 6/50 (at akala ko mababa na ang 10/30 sa Physics 111!). Buti na lang hindi lang ako yung may ganung grade, kaya nagpabonus yung prof namin. Halos 50% lang mga grade ko sa mga exam. Sa probset ako bumawi.


April 17th, 2008 at 6:43 pm
Hey, is that my name there?
Haha. Anyway, congrats for a heck of a lot of things and belated happy birthday.
Thanks for being a really good *cough cough* student in my class. :D
April 17th, 2008 at 7:32 pm
Dapat in-uno mo na! Hahaha. Kidding. I know I got what I deserve. :)
Salamat! Sa grade at sa bati. :D
Matanong nga, kamusta naman yung iba kong mga kaklase? Ano nangyari sa mga grade nila? HAHAHA