Dahil gusto ko alalahanin ang aking kabataan, dinekwat ko ito kay Tina. HAHAHAHA. Panalo. Ang meme nasa ilalim ng jump.
1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.
Meron pa nga akong bakal na slammer eh. Pero takot akong makipaglaro noon kasi ayokong mawala/mabawasan yung mga Teks at Pog ko. HAHAHA. Hindi ako mahilig tumaya eh.
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
Oo, hindi ko nga naintindihan yung mga comics nun. Pero inipon ko yun! Parang Archie Comics lang. Nung bata ako kahit hindi ko naintindihan basa pa rin ako ng basa at ipon ako ng ipon.
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
Naabutan ko pa yun! Hahaha. Pero pacifist akong bata kaya hindi ako nanirador.
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
HAHAHA. Ang daming ganun ng mga kapatid ko. Hanggang ngayon ata eh? JOKE.
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
Tumpak. Hahaha. Pero nabadtrip ata magulang ko nun sa akin. Kasi nagbabasa ng diyaryo nanay ko, tas binaril ko yung diyaryo habang nagbabasa siya para lang makita ko kung ano mangyayari. Hayun, nabutas yung diyaryo.
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
May Family Computer at Sega MegaDrive na kami sa bahay eh. Hahaha. Pero mas paborito namin si Sonic kesa kay Mario. At yung Street Fighter, staple na yun. Eh pano pa kaya yung Contra? Up up down down left right left right BA start
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
Kahun-kahon kami kung bumili. Yung nanay pa nga namin nagspo-sponsor eh. Hehehe.
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
Red yung ilaw ng akin nun. Power Rangers pa ata yun. Hahahaha
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
Jordan forever! HAHAHAHA. Siya peborit basketball player ko nun eh. Kasi siya lang ata kilala ko. AY! Kilala ko rin si Rodman. Pero masiyado nga lang siyang makulay.
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
Imbes na magsiyesta kami nun maglalaro kami ng Sonic o Bare Knuckles sa Sega, o kaya maglalaro kami ng Wheel of Fortune sa computer. Ancient pa yung Windows nun, meron pang tinatawag na “File Manager.”
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
Panalo to! Hahahaha. Pero pinaka-memorable sa akin yung agua oxynada. Bumubula pare!
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)
Marami rin kaming ganyan noon. Hahaha. Diba Chato, Pauline?
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
HAHAHA. Maraming ganun yung ate ko nun! Oo medyo may pera nga ata kami nun. Pero buhay pa yung mga Pocket (yung bahay)! Si Polly nawawala.
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
HAHAHAHAHAHAHAHA!!!! BENTA TO!!!! Nagpapauto pa ako sa ate ko nun na nanganganak yun. Pero di nga? Nanganganak nga ba yung Kisses na yun?
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
Pinaka-naaalaala ko yung Lion King. NAAAAAA UWEMNYA BABACHI CHI BABAAAAAAAAA. Tas may rising sun at si tita Maggie biglang sisipot. tas may kanta na, NA NA NANA NAAA.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
Parang ginawa ko lang to kahapon ah.
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
Oo. Tas yung mga Korean brand ang babarok. Parang, “you, me friendship forever and forever like the world forever.” O kaya, “loves you with me with and lotsa love!” HAHAHA
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
Hanggang Brick Game lang kami. HIndi kami binilhan ng GameBoy nun eh. At potek! OO! Meron kami nung mga bilog na may tubig!
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
Eh ang shake shake shampoo, alam niyo? Hahahahaha. Pero all boys school kami nun eh, so touch ball, holen at trumpo ang sikat.
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. ”Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.
Meron pa kaming, “balik sayo!” At “_____-proof!” (parang bullet-proof lang)
Ganito ang typical na away sa amin noon… Complete with the super pambara…
“Hahaha! Panget!”
“Mas panget ka!”
“Balik sa’yo!”
“Balik sa’yo period!”
“Erase, erase, balik sa’yo! Exclamation point.”
“Erase, erase, balik sa’yo, balik sayo proof! Double exclamation point.”
“Erase, erase proof… God!”
“ANG DAYA MOOOOOO! MOMMY OH!!”
HAHAHAHAHA.
Marami pa kaming ganyan. Hahaha.
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side taposmaraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
Blue pa yung akin. Na maraming buttons na pag pinindot mo may magsu-swish na compartment na may eraser at sharpener.
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
Yung notebook namin nun yung may Blue Eagle eh. Requirement kasi sa Ateneo. Tas may Blue Eagle the King Song sa likod. Namemorize ko na ata yun. HAHAHA.
23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
Oo! Yung red na may tali pa yung akin tas may takip na pwedeng gawing maliit na cup.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
Nangarap ako nun, G-Shock hiningi ko. Pero hindi ako pinagbigyan. :p
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
Nagkaganun yung ate ko noon! Pinagipunan niya. Pinagalitan siya ni Daddy kasi di niya pinaalam kay Daddy na bibili siya ng pager. Hahaha.
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
MERON!!! Ata. O tinapon na? Motorola “ULTRA-LITE” pa nga yung model eh.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
BATTLE CITY!!! HAHAHAHAHAHA. Lagi kong ineedit yung stage ko nun para maging bakal yung mga harang sa agila ko. Kebs na yung kalaban kung bricks lang meron siya.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
OO!!! Except yung swatch watch na yun. Oo nagkaTamagotchi ata kami nun.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.
BANAL NA ASO!!!! SANTONG KABAYO!!! HAHAHAHAHA. BILIB AKO SA KULAY KO, AKO AY PILIPINO!!! O yea Andrew E.!
30. Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (Andsay, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.
Zo-ombe, zo-ombe zo-ombe-eh-eh-eh! HAHAHAHA. PATI YUNG LINTIK NA WHAT’S GOING ON NA YAN! May choreo pa kami niyan nung kinder eh!!!
31. Sumasayaw ka ng Macarena.
Correction: SUMAYAW. With matching white gloves for more effect pa!
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
May poster ata kami. Tanong mo ate ko. Pero feeling ko idedeny niya yun.
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
Oo! Lalu na Westlife at Backstreet Boys. Pero pinakaloyal ako nun sa N’SYNC!!!
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
Pati South Border! Hahahahaha.
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
Pinangarap ko pang magkaWalkMan noon! Ay meron kami. Pero wala nga lang akong pambili ng tape.
36. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.
Kabisado ko noon yung actions! Ngayon hindi na. Hahaha
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
Ako si Red Ranger at si Raphael. Di ako fan ng Captain Planet noon eh. Pero kilala ko sila! Pinakamemorable si Heart na may unggoy.
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
Pang-hapon ako kaya lagi kong pinapanuod tong mga to! Hahahaha. Eh si Agatom at Anatom, kilala niyo pa? WAHAHAHAHAHA.
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
Pag pumunta kayo sa bahay namin ng 3 ng madaling araw, makikita niyo kapatid ko, nirereminisce ang kanyang childhood sa pagpapanuod ng Ghost Fighter. Hahahaha.
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: ”Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”, ”…Kontra Bulate!”
Voltes five lima sila! Bumili ng patola! Ito yuong, pinanlaban nila. Panghampas sa ulo niyaaaaaa. Pero in fairness, memorize ko yung kanta. ATA.
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: “Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman… Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman..”
TIME SPACE WARP! NGAYON DIN!!! WAHAHAHAHAHAHAHAHA.
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
Of course sinubaybayan ko mga yan. Pero ito ang tanong: kilala niyo rin ba si Blue Blink, si B’T X, si Remy, si Romeo na tagapaglinis ng tsimineya? HAHAHAHA. Ang dami pa nila!!!
43. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica Panganiban.
Potek, parang pamilyar.
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
ANNOUNCEMENT SA BUONG MUNDO: KASALI YUNG ATE KO SA ANG TV DATI!!! Kabatch niya sina Rica Peralejo, John Pratts, Camille Pratts, etc. Pinaalis lang siya ng dakila niyang school sa Ang TV. Ang replacement niya? Si Katya Santos daw.
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
Si Pong Pagong lang talaga pinakanaaalaala ko. ATBP generation na ako e.
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…
Pati yung ABCDEFG + NG at Ñ. HAHAHA. Ang alpabetong, Pilipino, masayang bigkasin, sabayan niyo ako!
47. Napanood mo ang Batang X.
Alala ko pa dun yung may burger, tas nilagyan nila ng fries para bumuo ng X na yung burger yung nasa gitna. Lintik na McDo yan.
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
Kasama pa lola ko!
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.
Oo! Hahahahaha. Peborit ko yung carabao english speaking na tao na kalbo sa ok ka fairy ko.
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
Oo!!!!
51. Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp.
Potek alam ko rin to!!!
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
Errr, ito hindi na ako agree. Hahahaha.
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.”
POTEK ITO NAAALAALA KO PA!!! HAHAHAHA.
54. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.
Mali yung lyrics! Dapat, “I love you Sabado! Pati na rin Linggo!” Oha, sino memorays ang kanta?
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
Nalabuan ako nun nung lumipat yung Eat Bulaga sa channel 7!
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
POTEK! Yung Y2K!!!! HAHAHAHAHAHA! LAUGH TRIP!!!!
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
Tapos hindi sabay yung mga bibig nila!
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
Hindi ko napanood mga to. T_T
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na “Goodbye, England’s Rose.”
Bakit di ko alam to?
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
Nagrerecord pa kami ng episodes ng BioMan gamit VHS!!!
61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.
FINASTFORWARD NUNG TATAY KO YUNG MGA EKSENANG DI PAMBATA! Huhuhuhu.


May 8th, 2008 at 3:15 pm
Di mo napanuod yung shake rattle and roll movies?! Wakanga. Loser!
May 8th, 2008 at 3:39 pm
Ikaw ba, napanood mo?
May 14th, 2008 at 6:06 am
Hehehe. Shake, Rattle and Roll! Buti pa noon na walang cable TV at YouTube. May excuse kang magpaka-masa. Kalaban ko pa nanay ko sa remote dahil gusto ko manuod ng Ghost Fighter at gusto niya ng Mara Clara.
May 14th, 2008 at 7:06 am
[...] Sorry to those who can’t read Tagalog. Nakaw galing kay BA. [...]
May 16th, 2008 at 10:46 pm
Alex: Ang hirap ng may kaagaw sa TV noon ano? Pero mas mahirap pag tinotopak na yung antenna mo sa mga masasayang bahagi! Hahahaha
June 4th, 2008 at 7:00 pm
Hala, favorite ko ang Ang TV dati (elementary pa ata ako nun hehe), nagpapapicture pa kami na ang pose eh “Ngyeee!”. Hayy. Kasama ni Ate mo kamo sila Rica, tapos napalitan ni Katya? Parang may trend, buti nga’t di na natuloy ang Ate mo hehe.
June 4th, 2008 at 9:04 pm
lisaflor: May picture ngang pinakita ate ko sa akin kanina, yung mga batchmates nya sa Ang TV. Tas inenumerate nya yung mga katabi niya: walang career, naging bold star, naging sabog, nabuntis ng di oras. AHAHAHA. Blind item!