May 19

FINALLY. Patapos na ang chem 17 ko. Isang exam na lang na kahit 50% lang makuha ko pasado na ako (pero chem 17 to so di ako dapat kampante ano?)

Pero ayun. Nakakagulat lang kasi mamimiss ko ang chem!

Never kong naimagine na mamimiss ko ang chem. Kasi ever since high school, hate na hate na hate ko ang subject na ito. Pero wow, ngayon, kahit bumagsak ako sa third exam ko sa chem 17, natuwa naman ako sa subject na ito kahit papano.

Pero bakit nga ba hindi ko nagustuhan ang chem nun? Kasi hindi siya yung tipong sobrang maiimagine ko talaga kung ano ang nangyayari o mangyayari.

Kung baga, si physics ang trompe l’oeil, si chem, grabe lang ha, siya ang abstract!

Kunwari, kung sa physics naiimagine ko yung trajectory ng bola kapag hinagis mo siya against the wind. Kaya ko pa ngang idrowing ang epekto sa kanila ng bawat force na humahatak, tumutulak, pumipigil sa kanya.

Eh kung sa chem, hindi ko talaga naiimagine na magiging blood red ang complex kapag pinaghalo mo ang manilaw nilaw na Fe3+ ions at ang walang kulay na SCN- ions.

At ang ayoko sa chem, ang daming rules at exceptions! Yung tipong pagdating sa element na to, bawal mangyari to. Pagdating sa element na yun, ganito lang ang pwedeng mangyari. Paspecial lang bawat reaction ha, hahahahaha.

Sakit lang sa ulo, grabe.

Pero ayun nga, kahit papano masaya, kasi namamagic yung kung anu-anong reactions. Masaya kapag nakikita mo na malaki pala ang epekto sa pag-alter ng mga bagay sa molecular level.

Oo, masaya kapag maraming kulay ang reagents mo sa lab. Mas masaya pa kapag makapagpasabog or kapag makapagkalat kayo sa lab (nagkaroon na ako ng test tube na shumoot ng mainit na liquid ng sobrang layo dahil sa sobrang init! HAHAHA wala lang)

Anyways. Bilang nasa topic na tayo ng natural sciences may ishashare lang ako sa inyong naisip ko ngayun-ngayon lang. May nashare kasi kanina sakin si Marvin na sinabi ni sir Sarmago na nakakatuwa.

Ayon daw kay sir Sarmago, feeling daw niya, ang mga taga-CAL daw, kung sobrang gamay lang daw nila ang extreme math, magiging magaling na physicists daw sila.

Hwaw.

And naisip ko, onga noh.

Kasi kapag scientist ka, kailangan mong pairalin ang iyong malupitang creativity in spite of the malupitang rigidity na kailangan mong sundin.

Alam mo yun, you have to be creative enough to know the rules and to know how to work your way around them. O kaya eventually kapag pagpalain ka ng breakthrough, you have to know when and how to break them to make new universal rules to follow.

Sabay na gumagana ang kaliwa’t kanang bahagi ng utak mo sa ganitong paraan. :D

Kaya sa mga tao diyan na nagsasabing boring at walang kwenta ang science, heh!

Ika nga ni xkcd.com diba, “SCIENCE: it works, bitches!

(kung mahal niyo ako bibilhan niyo ako ng shirt na yan)

Kaya ngayon, kahit alam kong puro bagsak at mababa ang mga exam at quiz ko sa chem, at sa physics, at sa kung ano pa mang ibang science na subject na meron o magkakaroon ako, natuto na akong ngumiti kasi alam kong masaya naman talaga ang ginagawa ko. :D

At akala ko pinakawalan ko na ang creativity ko.

Hindi pala. :)