In a span of 6 days, 3 times na akong napadpad sa Chocolate Kiss. Record-holders? Kami ni Kenneth. Hahaha.
Medical exam part 1 with Kenneth and Chax 5 days ago. Medical exam part 2 for Triszh yesterday. Medical exam part 2 with Kenneth, and part 1 for Julian, Mon, Gian, Enzo and Picoy this morning.
Grabe, taguan na talaga namin. Hahaha.
Kanina more UP boys bonding. UP+Sibol people silang lahat. Pero ayos lang, haha.
Since kanina kami lang ni Kenneth yung part 2 ng med. exam, naisipan naming maglibot kasama si Gian habang yung iba nasa part 1 pa lang.. Napadpad kami sa kilalang Shopping Center at sobrang nanibago kami. Natakot pa nga kami maki-gamit ng banyo kasi may mama na scary nakatambay sa may donation box sa banyo. So parang forced donation yata ang nangyayari dun. Ewan na lang namin, hindi na namin kasi sinubukan. Sa Bahay ng Alumni na lang ako nakapagbanyo nang kami ay tumungo sa Chocolate Kiss.
Narealize ko lang na kung dito kami palaging pupunta, mauubusan kami ng pera. PERO! Since double-allowance yung karamihan sa mga kasama ko, ayos lang! Hwahahaha. Mga lost conyo in UP amp.
We went to Picoy’s house. After a while we left for Gateway.
Sa Gateway biglang namiss ko ulit pagka-Atenista ko. Ang dami kong nakitang mga Atenista sa floor ng movies. Eboys, Aboys+Nboy, YFCboys+Mr. Edge, at siyempre si Ma’am Fe!
Sila ‘yung mga tipong mga tao na nakikita mo araw-araw na hindi mo maiimagine na mamimiss mong nakikita sila araw-araw pero ngayon namimiss mo sila kasi hindi mo na sila makikita araw-araw.
Gets? Hahaha.
Point is, parang akala ko na ok na ang lahat. Akala ko handa ka nang mag-move on sa bagong-buhay. Pero siyempre, may parte ng puso ko na naiwan, so ginugusto talagang lumingon pabalik (CHEESE ALERT).
So saan na ba ang sanctuario namin sa UP? As of now, sa Chocolate Kiss. Nandun yung mga kasama kong Atenista. At least kami magkakakilala na magkakaclose din. Hahaha. Ewan na lang kung magkakaroon ng bagong lugar-tambayan.
Isaw tayo next time mga p’re! May med exam part 2 pa yung iba. Hehehe.